by Leovic Arceta

© 2012 Leovic Arceta
ardourapathy.tumblr.com
All rights reserved.

Powered by Tumblr.

Wind TurbinesWind turbines at Bangui Wind Farm, Ilocos Norte.
Windmill silhouettes.
Wind turbine and Sun.View Post

Wind Turbines

Wind turbines at Bangui Wind Farm, Ilocos Norte.

Windmill silhouettes.

Wind turbine and Sun.

View Post

17th May 2013 | Permalink | 1 note

Panata

Walang humpay ang agos ng mga tao sa lansangan ngayong Huwebes ng gabi. Mula sa lahat ng dako, naglalakad sila patungo sa isang di umano’y milagrosong dambana. Samu’t saring hugis, mga linya at tuldok sa isang dambuhalang dibuho ng pamamanata.

Pinaka-aktibo ang mga manang ng bayan sa panahong ito. Kung ang pasko ay para sa mga bata, maluwag-sa-loob kong maibibigay ang Semana Santa sa kanilang mga nakatatanda. Bagamat maliliit sa mga hakbang at delikado sa lamig, maipapalagay na talukbong sila ng higit pa sa mga numinipis na balabal ng sinauna. Na sa ilalim ng pumapalyang mga ugat ay susun-suson pang lakas ang bumubukal mula sa kanilang pananampalataya. Isang manipesto na bagamat hinubog ng tradisyon, ang pamamanata ay sa kanila ngayo’y bahagi na ng daloy ng pananalig, tila isang kabig ng kaluluwa sa humihinang laman: humayo papailanlang patungo sa bisig ng Maykapal. Kahanga-hanga ang mga panatang nakahabi na sa mantel ng pagsamba.

(Karamihan sa mga kabataang makikitang naglalakad sa gabing ito ay naroon lang upang pumorma, at di ko nais na talakayin ang ukol sa kanila.)

Sa mga nalalabi ay may sari-sariling salaysay ang bawat panata. Si misis, naguumapaw ang pasasalamat sa ligtas na paguwi ni mister mula sa lupaing nagngangalit sa paputok na digmaan. Mayroong mga kasalukuyan nang nakikipagdigma sa mga sari-saring karamdaman, at umaasang sa panalanging may pwersa ng panata, maudyukan ang langit na mapagtulin ang paghilom. May ibang nagbabawas raw ng kasalanan, at minsan nang narinig sa biruan ng mgkakaibigan: isang kilometrong lakaran sa bawat beses na niloko ang kanyang maybahay. Ang ilan ay nangangarap ng kasaganahan; marahil ngayong linggong ito, may puwang sa tarangkahan ng langit kung saan ginintuan raw ang bangketang ating tinutulugan. Mayroong nagpapaanod na lamang sa tradisyong kinamulatan, ngunit sa bawat anggulo ng kasabihan ay mayroong bulag na pananampalataya. Pagpatak ng hating gabi ay huhupa na rin ang agos ng madla.

Kinabukasan sa umaga ay dadaan ang mga nagpipinitensya, sila na sa paghahangad na makabayad sa mga kasalanan ay handang magpakasakit sa pamamagitan ng paghagupit sa sarili. Tapak, hubad, hindi makikilala sa itim na belong nakatabing sa mukha, babagtasin nila ang mga lansangan habang nagiiwan ng bakas ng pawis, dugo, at tubig na kinulayang pula. Sa kainitan ng araw, ito ay isang madilim na eksena. Sapagkat sa halip ng mapalaya sa kapit ng sumpa ng kasalanan, sa bawat latay ng bakal sa balat ay lalong humihigpit ang gapos ng kaalipinan. Sapagkat ito ay paganyayang ilagay ang ‘yong pagasa sa ‘yong sarili - isang bagay na kailanman ay di makasasapat sa pagbabayad ng maging mga kaliit-liitang kasalanan. Ito ay tila pilit na pakikipagkalakal sa diyos na gamit ay mga sentimong di-tunay. Nakalulungkot na sa huli, sa paghuhugas ng kanilang lupaypay na katawan ay maiiwaksi rin ang pinagpagalang huwad na kapatawaran. 

Sukdulan. Sakit ng tao ang kawalan ng kakayahang umunawa nito. Hindi natin lubos-maisip ang lawak ng pagibig na inihahain ng diyos sa atin. Kailangan natin itong maya’t maya’y sukatin, kwentahin, at tawaran sa halagang kaya natin gamayin, sapagkat ang libre at walang humpay na pagibig ay sadyang hindi kayang isiksik sa hamak nating kaisipan. Kukuha tayo ng dami ng biyaya na nais nating makamit o ng kapatawarang sa palagay nati’y sapat na para sa bigat ng ating mga pagkakasala, at magkukwenta ng kaya nating ihandog bilang kabayaran, gayong sa bawat sandali ay walang hangganang grasya ang siyang iniaalok sa atin.

Hindi ba’t minsan nang ipinagtataboy ni Hesus ang mga nangagbibili sa templo at sinabing, Huwag niyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking ama? Subalit ngayon, hindi lamang sa mga bahay sambahan, maging sa kahabaan ng mga lansangan ay iprinu-prusisyon natin ang ating pagkukwenta at pakikipagtawaran sa panginoon. Sa lahat ng ito, pinagmimistula nating kalakal ang pagibig ng diyos.

Hindi sapat ang pananalig na handang dumanas ng hirap para sa inaakala nating ikalulugod ng diyos. Ngunit katangi-tangi ang pananalig na may pagkilala sa kanya na sinasamba, at mula rito’y sisibol ang pananampalatayang mapagpalaya:

Ang pananampalataya na iniibig tayo ng diyos sa isang walang-hanggang panata na kailanman ay hindi maaari at hindi na nararapat pang suklian.

Ang pananampalataya na ang diyos, pagdating sa pagpapatawad, hindi nakikipagtawaran.

7th Apr 2012 | Permalink | 1 note | Tags: tales holy week

Ocean Skies

the atmosphere
embracing me
so knowingly
you see right through my eyes
you look at me,
and patiently
remind me that there’s so much more
to letting go than losing what you have

tireless tides
though in the dark
you know my heart
I’m never out of sight
when breathing stops
and hopes collapse
you call to me and in your voice
I find the hope for which I am alive

the empty space
from founding grace
to endless days
were drawn inside your heart
the leagues of wait
that separate —
a shadowless mirage upon
the luminescent love you set apart

let me fall into you tonight

open wide
you ocean skies
you’re strong enough
for all the breaking
by my side
I close my eyes
your brand new lights
begin awaking

11th Sep 2011 | Permalink | Tags: ae ships and planes

Truth and Circles

There are those moments when something that had previously been distant, mysterious, and of little consequence, something attached to an idea that’s entirely (pretensions aside) alien to us, suddenly hits home and in the struggle of the instant, makes perfect sense. Well, not really perfect sense.

Most of those moments, for me, are not simply an uncovering of a cloak of ignorance to reveal the gem of knowledge underneath. Most of the time, and much to my wonder, I could not exactly comprehend what is happening, nor could I employ any amount of logic to explain the discovery. It is vague, and equally mysterious as it formerly was, but suddenly I find it in my being to be affected by it, or, more accurately, I seem to gravitate towards it in a deep desire to know and live in the knowledge thereof.

I find such experiences strewing my daily walk in relation to God and his word. It’s like very deep down, or high up, in some spectral plane unreachable to me, pure, unadulterated realities are being put into place by an almighty hand. I desire for those realities deeply, as dictated by my spirit-borne fiber. Yet at my level, I have to dig and scrape off layers of human frailty — stratum after stratum of mis- and preconceptions, unwarranted emotions, misguided desires and selfish tendencies — before I could even begin to see the truth in its initial glories.

The process is resource-consuming, and given my immature attention span I often end up having fragmented pieces of my God, with many great truths that are unpolished and not fully understood. I ignore the prodding of the Spirit in me, and take the whole ore, metal and rock and all, and save it for a rainy day. Then I pursue passions that at the moment seem more rewarding, more realistic, more rational.

But soon enough, as the attention span factor begins to resurface, I’m brought full circle as something inevitably bursts into the scene: my acute eternity-driven idealism. Then I am laid to rest with the knowledge that everything I yearn for will one day be accomplished. With it also is the knowledge that knowing God in this life is worth the countless circles that I still would have to draw. And once more it begins…

To know Truth is something that cannot be fully realized in this lifetime, yet to me it can be outweighed in worth by no other endeavor.

2011

22nd Jun 2011 | Permalink | 10 notes | Tags: truth circles idealism

2870

(This entry was posted on my Friendster Blog on Sunday, February 4th, 2007 at 7:17 pm. This was when Globe changed its Unlimitxt to the more expensive Unlitxt service. Four years later, I still find it nice. Albeit the cheesy ending. Hehe. Aliw!)

2870

nang dahil sa unlitxt, marami ang nagulat, nagduda, at sa huli’y nadismaya. marami ang nagisip, nagtuos, at sa huli’s nagdesisyon. nagtaas ng kilay, nagkibit-balikat.

nang dahil sa unlitxt, marami ang umalma, nagreklamo at sa huli’y nagboycott. marami ang nagunli upang magtextpass ng ‘i-boycott natin ang globe! pls. pass.’ mga ironies ng buhay.

nang dahil sa unlitxt, marami ang humiling, umasa, nagbakasakali. naghintay, umiling, at sa huli’y nabigo. marami ang naghihintay pa rin.

nang dahil sa unlitxt, dumalang ang mga gud am at gud pm. ang mga godbless at gudluck. ang mga gudbless at godluck. sa pagbagal ng daliri,  nagmistulang bumilis ang pagiisip.

nang dahil sa unlitxt, tumahimik ang mundo. tulad ng pagpunta sa cpark ng alas-nuebe ng umaga. tulad ng paghihintay, at sa huli’y pagalis ng walang nakikitang kakilala.

nang dahil sa unlitxt, nahanap ko ang lumang mundo. ang mundo na mas mabagal ang pag-ikot. kung saan ang bawat segundo ay mas matagal, mas gamay at sa huli’y mas may halaga.

nang dahil sa unlitxt, napagtanto ko muli ang halaga ng bawat salita. ang halaga na minsan nang nilunod at ibinaon ng lahat ng klase ng kababawan. mga ironies ng buhay.

nang dahil sa unlitxt, natubos muli ang kahulugan ng komunikasyon. ang kahulugan na hindi ko nagawang bilihin sa pamamagitan ng mumurahing unlimitxt.

nang dahil sa unlitxt, nalaman ko na upang maabot ng hinlalaki ang hindi kayang abutin ng kamay, kailangang magbayad. na upang maikubli ang kalungkutan sa likod ng bawat smiley, kailangang magbayad ng doble.

5th May 2011 | Permalink | Tags: SMS Friendster blog